Null
in ,

Celebs, umariba sa kantahan!

By MELL NAVARRO

Last Saturday, napanood namin ang pilot episode ng new season ng singing game show ng TV5, ang “Sing Galing.”

The show, as hosted by Randy Santiago, K Brosas, and Donita Nose, is now titled “Sing Galing Sing-Lebrity Edition.”

Naaliw kami sa mga celebrities na humirit ng kanta at nagpapatawa doon.

Ang mga sumabak na celebs: Ang stand-up comedian na si Baby Boobsie Wonderland, ang “BL cutie” na si Paolo Pangilinan, at si Jayson Gainza na consistent sa pagiging mahusay na komedyante noon pa mang nasa ABS-CBN siya.

Hindi nakaligtas ang tatlong celebs sa asaran at sagutan with the show hosts.

Sa napanood namin, nag-all-out performance ang tatlo. Ibinida nila hindi lang ang kanilang husay sa pagpapatawa kundi pati na rin ang talent nila sa pag-“birit.” 

Mereseng wala sa tono ang mga ganap nu’ng tatlo, e ‘yun nga ang mas nakaka-aliw. 

Mas kailangan ng audience ang tumawa sa panahong ito ng krisis.

Sa mundo ng telebisyon, ‘pag may “new season,” it means may audience o gusto ng televiewers ang show, just like this original Pinoy singing game show ng TV5. 

Juice ko, I can just imagine ang mga nakakatuwang ganap in the future episodes!

Mga aabangan na celebrity performers: Alex Medina at Kris Bernal; mga komedyanteng sina Ate Gay, Mc Muah at Pooh; ang viral personality na si Madam Inutz, ang Miss Grand Philippines 2020 na si Samantha Bernardo, at ang mga guwapong sina Joseph Bitangcol and Hero Angeles.

Ang Sing Galing “Sing-lebrity Edition” ay napapanood tuwing Sabado, 6pm sa TV5 at sa lahat ng online platforms.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Yuka Saso guns down 2 eagles to finish in joint 4th; pockets P5.3M

US young guns overwhelm Europe in Ryder Cup rout