in

Heart Evangelista, Brandon Boyd sanib-pwersa

By RUEL J. MENDOZA

Confirmed ang art collaboration ni Heart Evangelista-Escudero with Incubus frontman, Brandon Boyd.

Sa tweet ni Heart, may screenshot ito ng video call niya with Brandon Boyd, pati ang art manager ni Boyd na sina Jen DiSisto and Pietro.

Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.”

Kilala si Brandon bilang vocalist ng Grammy-nominated and multi-platinum selling band na Incubus.

Naging hit ang songs nilang “Drive” and “Wish You Were Here” noong early 2000. 

Isa ring artist si Brandon at may tatlong books ito ng kanyang original artworks: “White Fluffy Clouds “(2003), “From the Murks of the Sultry Abyss” (2007), at “So the Echo” (2013).

Nakapag-art exhibit na ito sa galleries sa iba’t ibang bansa.

Si Heart ay hindi lang sa kanyang paintings pinahanga ang marami kundi pati na sa kanyang artworks sa luxury bags, dresses, power banks at marami pang iba.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang mga litrato n Heart na naka Hermes bikini.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Getting to know Rob Deniel

Alaska signs rookies Stockton, Ilagan to separate contracts