Null
Null
in ,

Ariel at Gelli, sabay nagka-COVID

Tinamaan ng COVID-19 si Gelli de Belen.

‘Yan ang tsika niya sa kanyang YouTube vlog kasama ang mga kaibigang sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan at ang sister niyang si Janice de Belen.

Ani Gelli, sabay pa sila ng husband niyang si Ariel Rivera.

Na-expose daw sila sa isang friend.  

Nag-home quarantine lang sila.    

Ani Gelli, nakakalungkot ang experience at nakakabaliw.

Mental torture

Nag-COVID-19 positive rin si Candy last December.

Aniya, nag-self isolate lang din siya sa bahay.

Mental torture ang magka-COVID, ayon kay Candy. 

Ang payo niya, labanan ang takot at parating magdasal.

Nagdasal

Tsika naman ni Janice de Belen, noong nagsimula ang pandemic ay parati siyang nakatutok sa news, hanggang nakaramdam siya ng anxiety at nerbiyos. 

Tinigilan na niya ang panonood at pakikinig tungkol sa COVID-19. Dinaan na lang niya sa pagdarasal ang takot.

“Stop researching. Stop gathering news. Pray a lot,” payo ni Janice.

Paranoid

Pinaka-praning sa kanilang apat si Carmina.

Paranoid daw siya at lahat ng gadgets ay meron siya.  Lahat ng precautions ay ginagawa niya.

Parati din siya nakatutok sa social media.

Sa kapraningan niya, feeling daw niya’y nakakain siya ng panis na cookie.  Napapanis ba ang cookie?

What do you think?

Written by Tempo Desk

Tempo 14 May 2021, Friday issue

Miss Universe top picks