in

Candy Pangilinan, nanuhol?

By Ruel J. Mendoza

Nagkuwento si Candy Pangilinan ng mga naging takot niya noong maging ina siya.

Noong ipanganak daw niya si Quentin, ilang months pa lang daw ito ay na-ICU na dahil sa ilang kumplikasyon.

Pinilit daw ni Candy kalmahin ang sarili for the sake of her son.

“Kasi advise sa akin ni Ate Maricel (Laxa-Pangilinan), if you’re calm, you’re baby will be calm. Tama naman kasi mararamdaman ng anak mo kapag hindi ka kalmado. Kailangan iparamdam mo na matapang ka and everything will be all right,” sey ni Candy sa “Mars Pa More.”

Dinaan pa raw ni Candy sa suhol ang mga nurses sa ospital para makasiguro siya na nababantayan ng maayos ang anak niya sa ICU.

“Inalam ko talaga kung sino yung mga nurses na naka-assign may Quentin. Dinaan ko sa chika at sa pagsuhol ng pagkain para maasikaso nila ng husto si Quentin. Wala naman sigurong masama sa ginawa ko, di ba? Kahit sinong mother ay gagawin iyon,” tawa pa ni Candy.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Gilas’ Kouame ready to face Korea’s Ratliffe, Indonesia’s Prosper

De Luna, Gomez outclass all-female Brit rivals at World Cup