Null
Null
in ,

Fulfilling daddy duties

DEREK Ramsay, Ellen Adarna with Ellen's son Elias Modesto


BY ROWENA AGILADA


Tinuruan din kaya ni Derek Ramsay ang biological son niyang si Austin na maglaro ng frisbee at golf?

Tinuruan niya kasi lately si Elias Modesto, anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

DEREK Ramsay, Ellen Adarna with Ellen’s son Elias Modesto

Tinuturuan din niyang mag-swimming ang bagets.

Daddy duties talaga si Derek kay Elias.

Ano kayang nararamdaman ni John Lloyd na super close na si Elias kay Derek?

Take note though, hindi lumaki sa poder ni Derek si Austin.

Matagal ito sa Dubai kasama ang kanyang mommy.

Noong nag-teenager lang si Austin tumira sa bahay ni Derek.

Sixteen years old na ngayon si Austin. 


Paano ang kontrata?

Sabi ni Derek sa isang interbyu, tatapusin muna niya ang commitments niya sa GMA7 at saka siya magpapakasal.

Two years pa yata ang kontrata niya with the network.

Aniya pa, kapag nagpakasal siya, focus na lang siya sa kanyang pamilya.  

This year na sila magpapakasal ni Ellen.

Ano’ng mangyayari sa kontrata ni Derek sa GMA?

Problemahin ba namin? Hahaha!


ALICE Dixson (IG)

Nakabalik na

Nakabalik na sa Pilipinas mula sa Canada si Alice Dixson. Pero hindi niya kasama ang kanyang baby. Bakit kaya naiwan pa ito?

What do you think?

Written by Tempo Desk

Angeline Quinto, survivor!

Walk-in, drive-thru vaccination sites in Nayong Pilipino okayed