Null
Null
in

Yasser, kumportable sa gay roles

YASSER Marta (FB)


BY RUEL J. MENDOZA


YASSER Marta (FB)

Kumportable raw ang Kapuso hunk na si Yasser Marta na gumanap na gay sa TV dahil ilang beses na raw niyang nagawa ito.

Kaya noong gawin daw niya ang maging lover ng isang merman sa “My Fantastic Pag-ibig,” hindi raw siya nailang sa mga eksena nila ni Alex Diaz.

“Nu’ng nagsimula talaga ako sa GMA ‘yung mga roles ko talaga … puro bakla eh, so nakapag-play na rin ako ng transgender, nakapag-play na rin ako ng closet gay. So hindi na rin ganoon ka bago sa akin, hindi na rin ako nailang,” diin ni Yasser.

Hindi lang daw pang-romantic lead si Yasser tulad sa huling teleserye niya na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit,” open din daw siya sa magandang role sa isang BL or Boys Love na project.

“Boys Love, sa LGBT community, wala namang problema and open naman ako sa ganoon.”

What do you think?

Written by Tempo Desk

PARANAQUE DRUG BUST: Cops kill drug pusher, seize P34-M shabu

National Artists nominations