Null
Null
in ,

Richard Gomez, nagpahiwatig?

RICHARD Gomez and Luzy Torres


BY ROWENA AGILADA


Ang galing na magsalita ng Bisaya ni Ormoc City Mayor Richard Gomez. 

RICHARD Gomez and Luzy Torres

Nag-celebrate siya ng kanyang 55th birthday sa isang covered court sa Ormoc. Present ang mga department heads at mga barangay officials.

Siyempre, ‘andun ang wifey niyang si Congresswoman Lucy Torres at daughter nilang si Juliana.

Sa kanyang birthday speech, pinasalamatan ni Mayor Goma ang kanyang constituents sa salitang Bisaya.

The most hardworking public servant ang pakilala sa kanya ng isang babae. 

Ipinagmalaki ni Mayor Goma ang Ormoc City na pinakamaganda at pinakamayamang siyudad. Nangyari raw ‘yun dahil sa pagtutulungan nilang lahat.

Hinikayat niya ang kanyang constituents na magpabakuna kapag may available nang vaccines bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Nabanggit ni Mayor Goma na last term na ni Cong. Lucy at may pahiwatig siya na tatakbo ito bilang mayor. 

Ibig kayang sabihin, ibang posisyon naman sa gobyerno ang pinaghahandaan ni Mayor Goma?


Goodbye showbiz na?

MIGO Adecer (IG)

Bumalik na sa Australia si Migo Adecer. Goodbye showbiz na rin kaya ang Kapuso actor?

Ani Migo, nami-miss niya ang kanyang pamilya at gusto niyang muling makapiling ang mga ito at maging malapit muli sila sa isa’t isa.

Pinasalamatan niya ang GMA Network, kanyang fans and supporters. 

Ayon sa isang insider, anytime gustuhin ni Migo bumalik sa Pilipinas at balikan ang showbiz ay welcome siya.

Dahil na rin sa pandemic at walang katikayan ang showbiz career, kaya nag-desisyon si Migo bumalik na lang sa Australia.


Galit pa rin

BEA Alonzo (FB)

Hindi pa rin fully naka-move-on si Bea Alonzo sa break-up nila ni Gerald Anderson. 

May galit pa rin sa puso niya ang pang-ghosting sa kanya ni Gerald.

Kawawa naman daw si Dominic Roque na ginagawang panakip-butas lang ni Bea.

Paasa lang daw si Bea. May ganu’n?

What do you think?

Written by Tempo Desk

NCR+ under MECQ until April 30

Tempo 12 April 2021, Monday issue