Null
in ,

Tigilan na!

KAKAI Bautista, Mario Maurer



BY JUN NARDO


Nilapitan pala ng mga pinakasikat at pinakamagagaling na abogado sa Pilipinas ang Thai actor na si Mario Maurer.

May kinalaman ito sa isyu nina Maurer at Kakai Bautista.

KAKAI Bautista, Mario Maurer

Ayon sa source namin, nagpadala ng sulat ang lawyer ni Bautista sa kampo ni Maurer pero hindi raw diumano ito pinansin.

Basta para sa kampo ni Maurer, dapat tigilan na ni Kakai ang paggamit nito sa Thai actor.


Tinuldukan na!

Winakasan na ni Kyline Alcantara ang ibinatong isyu sa kanila noon ni Miguel Tanfelix nang magsama sila sa Kapuso series na “Kambal, Karibal.”

KYLINE Alcantara and Miguel Tanfelix

May kinalaman ‘yon sa kinahinatnan ng relasyon ni Miguel sa dating ka-loveteam na si Bianca Umali.

Kaya naman hindi maiwasan na magkaroon ng ilangan kina Miguel at Kyline sa pagsasama nila sa Season 2 ng “I Can See You” sa episode nilang “#Future.”

Aniya, “Alam naman namin talaga ‘yung mga nangyari, kung ano talaga, and ‘yung mga nagawa at hindi nagawa so, nawala ‘yong awkwardness.

Sa totoo lang, naging maganda ang feedback sa muling pagsasama ng dalawa sa mini-series.

Nabuo ang fan group nilang Kyguel at ‘yung pictures nilang magkasama sa GMA Drama Face Book page ay umabot na sa 700,000 likes!

Naku, ligawan na ni Miguel si Kyline dahil may Ruru Madrid na si Bianca, huh!

What do you think?

Written by Tempo Desk

Second wind for Osang

Blood clot ‘very rare AstraZeneca side effect’