Null
Null
in ,

Derek Ramsay, nasuka!

DEREK Ramsay (IG)


BY ROWENA AGILADA


Pinagtawanan lang ni Derek Ramsay ang tsikang diumano’y pinagpasahan na ng kanyang mga ex-girlfriends ang engagement ring na ibinigay niya kay Ellen Adarna.

Aniya sa interview sa kanila ni Ellen ni G3 San Diego, binili niya brand new ang singsing at fully paid na ‘yun. 

DEREK Ramsay and Ellen Adarna (IG)

Ayon pa kay Derek, dapat ang 7.8- carat diamond ring na ibinibigay ng kanyang mommy ang engagement ring niya para kay Ellen pero tinanggihan niya ito sa huli. Masyado raw malaki.

Kuwento pa ni Derek, nasuka siya noong first time siyang nag-“I love you” kay Ellen. 

Two weeks pa lang sila magkakilala at hindi siya sanay.

Aminado rito si Ellen. Magkatabi raw sila ni Derek nakahiga sa kama at pagkatapos  nitong mag- “I love you” sa kanya ay agad itong tumakbo papuntang banyo.


Pinagtawanan

Pinagtawanan din ni Derek ang intrigang pakakasalan niya si Ellen dahil sa pera nito. 

Pinasalamatan nila ni Ellen si Ruffa Gutierrez na nagsilbing cupid ng kanilang mga puso.

Dapat din sigurong pasalamatan nila si John Estrada na nagpakilala sa kanila.   

Abangan bukas ang iba pang kuwentong Derek at Ellen.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Man wanted for raping teen cousin arrested

Historic finish for Pinay fencer at world tourney