in

Ivana Alawi, kakasuhan daw?

IVANA Alawi (FB)


BY DELIA CUARESMA


May pasabog si Ivana Alawi.

May mga tao daw na nagbabanta sa kanya.

IVANA Alawi (FB)

Sasampahan daw siya ng mga ito ng kaso in violation of the Anti-Mendicancy Law.

Ito ay dahil sa pagpanggap niyang pulubi kamakailan for her vlog.

Namalimos si Ivana at kung sino man ang magbigay sa kanya ay dinodoble niya ang balik.

May isang vendor na tinulungan siya.

Binilhan niya ito ng groceries, home appliances, atbp.

Pero mukha ngang hindi nagustuhan ito ng ilan.

Hindi natatakot si Ivana, huh!

Aniya, “Kung may nalabag akong batas eh ‘di kasuhan na lang nila ako, haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba? Kasi para sa akin I didn’t do anything wrong.”

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video ko and I would do it again,” diin pa niya.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Prank lang pala!

Who says COVID ain’t real?