Null
in ,

Angeli, ligtas na!

GARY Valenciano and Angeli Pangilinan


BY JUN NARDO


Tinalo ni Angeli Pangilinan-Valenciano, asawa ni Gary Valenciano ang mapamuksang COVID-19, huh!

Inanunsyo ito ni Gary mismo sa social media.

GARY Valenciano and Angeli Pangilinan

Sey niya, “It was a scare because she did have it indeed but my wife Angeli is finally free of COVID-19.”

Hindi rin daw siya nahawa.

“The Lord took care of us as I never got it even if I was exposed to her on the day the test result came to her,” diin ni Gary.

May mga nahawa sa kanilang tahanan nguni’t lahat daw ito ay negative na rin.

Nagpasalamat si Gary sa lahat ng nagpahatid ng dasal sa asawa at sa Diyos.


Nagbunga din!

Aminado si Alice Dixson na matagal na niyang pinagdarasal na magkaroon siya ng baby. 

At sa wakas ay natupad na nga ito!

ALICE Dixson

Nagbunga na ang ilang taong pagdarasal at paghiling tuwing kaarawan na magkaroon siya ng anak!

Inilabas ni Alice ang magandang balita sa kanyang Instagram.

Aniya isang tinatawag na “miracle” baby daw ang dumating sa buhay niya.

“Despite the unexpected trial this year, God gave us a little miracle…

“For those of you who really know me…you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for years now. Each year – my wish the same when I blew our my candles.

 “So with great patience, belief and trust – I am happy to announce that my wish has finally come true. Our newest family member has arrived.”

Ilang taon nang may-asawa si Alice pero ngayon lang nabuntis.

Nangyari ang kanyang wish through a surrogate.

Congratulations, Alice.

Miracles do happen!  

What do you think?

Written by Tempo Desk

CHR probes secret detention cell in Cebu City police station

Nilaglag!