Null
in ,

Hiwalay na?

ALWYN Uytingco and Jennica Garcia


BY ROWENA AGILADA


Nakakabingi ang bulung-bulungan!

Ito ay ang tungkol sa diumano’y hiwalayan nina Jennica Garcia at Alwin Uytingco.

Totoo nga ba?

ALWYN Uytingco and Jennica Garcia (FB)

Nagsimula ang lahat sa mga patutsada ni Jennica sa kanyang socmed accounts tungkol sa pinagdaraanan nilang mag-asawa.

 Nangungupahan ngayon si Jennica sa isang apartment kasama ang dalawang anak nila.

Tahimik naman sa isyu si Alwyn.

Ano kaya ang sey ng mommy ni Jennica na si Jean Garcia ukol dito?


Negatibo!

Laking pasalamat ni Jake Ejercito na negative sa mapamuksang COVID-19 ang anak na si Ellie.

JAKE Ejercito and daughter Ellie (FB)

Ipina-test niya ito agad noong nag-positive sa COVID-19 ang kanyang daddy, ang former Manila mayor na si Joseph Estrada.

Pasalamat siya na negative ang resulta ng ginawang test sa bagets.

Kasalukuyang nasa Manila pa si Ellie. 

Sinundo ito ni Jake sa Siargao para makasama sa birthday celebration nito last week.


JOHN Estrada

Bakit wala?

Kaibigan ni Derek Ramsay si John Estrada pero nakapagtatakang wala ito nang mag-propose si Derek kay Ellen Adarna.

Si John pa naman ang nagpakilala sa dalawa.

Hindi rin namin nabasa ang pagbati ni John sa engaged couple.


ALICE Dixson (IG)

Nanay na!

Masaya para kay Alice Dixson ang mga kaibigan niya ngayong natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ina.

Ayon sa ilang sources, diumano, matagal nang nagpa-freeze ng kanyang egg cells si Alice at naghanap lang sila ng kanyang partner ng magiging surrogate mother.

Nasa Canada raw ngayon si Alice at may mga bagay-bagay na inaasikaso.

Hopefully, pagbalik niya sa Pilipinas ay kasama na niya ang kanyang baby.  

What do you think?

Written by Tempo Desk

Ashley Rivera, sumawsaw sa lugaw!

Tempo 06 April 2021, Tuesday issue