Null
Null
in

Ashley Rivera, sumawsaw sa lugaw!

ASHLEY Rivera (FB)


BY RUEL J. MENDOZA


Hindi pinalampas ng Kapuso comedian at “Bubble Gang” star na si Ashley Rivera a.k.a Petra Mahalimuyak na gawan ng TikTok video ang nag-viral na lugaw incident na naganap sa Bulacan.

ASHLEY Rivera (FB)

Kumalat ang video ng isang Grab food rider na magde-deliver sana ng lugaw sa isang customer sa isang barangay sa Bulacan pero hinarang ng mga tanod dahil hindi raw essential ang lugaw. 

Dahil sa ginawang pagtrato ng isang tanod sa Grab food rider, nagkaroon ito ng ingay sa social media at umabot pa ito sa TikTok na may iba’t ibang version.

Ang ginawang Tiktok video ni Ashley tungkol sa lugaw incident ay pumatok sa marami at kasalukuyang nakakuha na ng 4,500 shares, 1,200 comments and 34,000 likes.

Naglabas na ng pahayag ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa pagiging essential food ng popular na Pinoy delicacy.

What do you think?

Written by Tempo Desk

NCR+ mayors urged to post list of aid beneficiaries

Hiwalay na?