in

Yasser Marta, nag-thank you kay Direk Laurice

BY RUEL J. MENDOZA

Malaki ang pasasalamat ng Kapuso hunk Yasser Marta sa kanilang direktor sa teleserye na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” na si Laurice Guillen.

Nagtapos na ang serye noong nakaraang March 26 at maraming natutunan si Yasser kay Direk Laurice sa pagbuo ng character niyang si Jun Santos.

“Sa lahat ng bumubuo ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ from the cast, production, crew, utility, @gmanetwork and @artistcenter, mahal na mahal ko kayo. 

“Especially Direk @lauriceguillen thank you for bringing out the best in me. That was one hell of an emotional experience. Mami-miss ko kayong lahat! Congratulations sa atin.”

Lumabas ang husay ni Yasser sa pag-arte sa maraming mabibigat na eksena sa teleserye.

Nakipagsabayan ito sa husay nila Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Kyline Alcantara at Isabel Rivas.

Tinawag siya ni Direk Laurice na isang revelation at sana’y mabigyan pa raw ito ng mas mabibigat pang roles in the future.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Theme Song Queens

Ruby Rodriguez, inalala ang kapatid