in ,

Luis, makalat!

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (FB)


BY ROWENA AGILADA


Hindi kaya sa 40th birthday ni Luis Manzano on April 21 ipapakita ni Jessy Mendiola ang kanilang wedding video? 

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (IG)

Sa latest vlog ni Jessy ay kapansin-pansin ang suot nilang identical rings! Wedding ring kaya ito?

Dalawang singsing ang suot ni Jessy sa isang daliri.

Isa rito ay ‘yung kanyang controversial engagement ring.

Huli sa bibig ni Jessy na magkasama na sila ni Luis sa isang bahay nang sabihin niyang makalat ang huli.

Pag galing daw ito sa labas at maghuhubad ng damit, sapatos, t-shirts, pantalon, hinahabol niya habang papunta ito sa kuwarto.

Ayon naman kay Luis, kapag binubuksan ni Jessy ang kanyang closet at nakakita ito ng damit o jacket niyang may hood ay hinihingi nito.

May pahiwatig na rin si Luis na gusto na niyang magka-baby na sila ni Jessy.

Tiyak, matutuwa ang kanyang mommy (Congresswoman Vilma Santos-Recto) na matagal nang sabik magkaapo kay Luis.


Sinopla!

Sinopla ni Ormoc City Mayor Richard Gomez si Janine Gutierrez sa patutsada nito sa sistemang ginagawa ng gobyerno laban sa COVID-19.

RICHARD Gomez (IG)
JANINE Gutierrez (IG)


Ani Janine, kailangan na ang mass vaccination. Nababagalan siya sa proseso.

Ayon naman kay Mayor Goma, hindi kasiguruhan ang mass vaccination. Kailangan pa rin ang disiplina at masusing pag-iingat ng lahat para malabanan ang mapamuksang sakit.


Nagkita

Nagkita at nagkasama sa isang stage sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa ginanap na Super Party ng Lazada.

LOVI Poe and Rocco Nacino

Mukha namang walang ilangan factor sa ex-lovers. Otherwise, hindi papayag ang isa sa kanila na magkasama sa naturang event.

Just curious, nag-usap kaya sina Lovi at Rocco sa backstage?

Co-hosts nina Rocco at Alden Richards sa event si Barbie Forteza na parating nakasigaw.

Sabi nga ni Rocco, “Galit na galit?”

Para kasing hyper na hyper sa pagsasalita si Barbie. Obserba ng televiewers, parang trying hard.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Juanchoyce, excited sa baby!

Manila senior citizens get vaccine shots vs COVID-19