Null
in ,

Baby agad


BY ROWENA AGILADA


Hindi isyu kay Rey “PJ” Abellana kung wala siya nang nag-propose si Tom Rodriguez sa anak niyang si Carla Abellana.

REY ‘PJ’ Abellana

Ang mahalaga’y masa­ya si Carla sa desisyon nitong magpakasal kay Tom.

Well, siguro naman, pres­ent na si Rey sa kasal ni Carla at siya ang maghahatid sa kanya sa altar.

Sabik na siyang magka-apo kina Carla at Tom.

Swak ito sa plano ng magsing-irog na gusto din magka-baby agad pagkatapos ng kanilang kasal.

Dalawa lang ang gusto nil­ang anak at wish ni Tom sana kambal.

May lahi raw sila ng kam­bal.


Sabik na

GABBY Concepcion and Sharon Cuneta

Sabik na rin si Sharon Cuneta magkaapo sa panganay niyang si KC Concepcion.

Kahit daw mag­pa-surrogate mother basta egg cells ni KC, okay na sa Megastar.

Turning 35 na si KC sa birthday niya sa April 7.

Ang kanyang Papa Gabby Con­cepcion ay nagpahayag na rin sa isang interbyu na handa nang maging lolo.

Hindi ba dapat, boyfriend muna ang i-wish nina Sharon at Gabby para kay KC?


Tour guide

JAKE Ejercito and daughter Ellie

Nasa Manila na ngayon si Jake Ejercito at anak kay Andi Eigen­mann na si Ellie.

Sinundo ni Jake si Ellie sa Siargao at nag-bonding muna sila roon ng ilang araw.

Sa isang resort tumuloy ang mag-ama, malapit sa bahay nina Andi at partner niyang si Philmar Alipayo. Nagkausap kaya sila?

First time ni Jake sa Siargao at nagsilbing tour guide niya si Ellie.

Ipinasyal siya nito sa iba’t ibang lugar. Pinagkaguluhan si Jake doon.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Liza Soberano denies alleged engagement to Enrique Gil

Tough start for Fil-Am fencer in US NCAA fencing tourney