Null
in ,

Siya na nga!

TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)


BY JUN NARDO


Walang iba kung hindi si Carla Abellana na nga ang right person para kay Tom Rodriguez.

Ito ang sabi niya sa amin sa isang videocon.

CARLA Abellana and Tom Rodriguez

After seven years, nag-propose na rin ng marriage ang poging binata sa seksing dalaga, huh!

Sey niya, “This is long overdue. I felt she’s the right person I wanted to spend the rest of my life with.”

May agam-agam daw siya dati, pre-pandemic.

“Fears and anxiety got in the way. But now, it just felt right. So, as soon as I felt it, I just jumped on it.”

As to the wedding preparations, ani Tom tapos na.

“It was prepared in two weeks,” diin niya.

Nagsama sa isang bubong sina Tom at Carla nitong pandemic.

Doon na nga nila lubos nakilala ang isa’t isa.

Nakita ni Carla ang pagiging very responsible ni Tom.

“Nadiskubre ko na marunong siya sa repairs, sa plumbing, sa electricity and I am very grateful for that,” saad ni Carla.

Samantala, nagustuhan naman ni Tom ang pagiging organized ni Carla.

Congratulations!

What do you think?

Written by Tempo Desk

CJ Diosdado M. Peralta retires tomorrow

Diaz confident Tokyo Games will finally push through