Null
in ,

Di na tuloy

CLAUDINE Barretto (FB)


BY ROWENA AGILADA


Shelved na ang come­back movie ni Claudine Barretto na dapat sana’y gagawin niya sa Borra­cho Films ni Atty. Ferdy Topacio.

Ayon sa ulat ni Ricky Lo, nagkaroon ng hindi pag­kakaunawaan si Claudine at si Direk Joel Lamangan.

Mukhang hindi na rin tuloy ang pelikulang ga­gawin ni Claudine with Piolo Pascual. Anyare?

Samantala, dedma lang si Raymart Santiago sa mga patutsada sa kanya ni Claudine.


Baby boy

Baby boy na naman ang ipinagbubuntis ni Kristine Hermosa. Ikalimang anak na nila ito ni Oyo Sotto.

Girl sana ang gusto ng mag-asawa para magkaroon ng baby sister ang only daugh­ter nilang si Ondrea.

Tatlo na ang boys nila.

Pero happy pa rin sina Oyo at Kristine at welcome sa kanila ang paparating nilang baby boy.

Joke ni Oyo sa soc­med, ibig daw sabihin, masusundan pa ito hang­gang hindi sila nagkaka-baby girl muli.


Join na rin

Nasa Turkey si Bela Pa­dilla at nagbabakasyon kasama ang foreigner boyfriend niyang si Norman Ben Bay.

Enjoy sila sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar doon na ipino-post ni Bela sa socmed.

Join na rin si Bela sa mga aristang foreigners ang BF tulad nina Lovi Poe, Glaiza de Castro, Angelica Panganiban, and who else?


Nasasaktan pa rin

Hindi pa rin fully naka-move-on si Nadine Lustre sa break-up nila ni James Reid. Sobrang minahal niya ito, kaya nahihirapan siya.

Four years silang nag-live-in at hindi ganoon kadaling kalimutan ang pinagsamahan nila. Umiiyak at nasasaktan pa rin siya.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Diaz confident Tokyo Games will finally push through

Zamboanga City Valientes joining PBA 3×3 tourney