Null
in ,

Xian bilang si Isko

XIAN Lim (FB)


BY JUN NARDO


Napili ang aktor na si Xian Lim upang gumanap na “old” Mayor Isko Moreno para sa bioflick ng Manila Mayor na sinu-shoot na ngayon.

XIAN Lim (FB)

Nag-post na rin si Xian ng kanyang “Yorme” look sa Instagram.

Caption ng boyfriend ni Kim Chiu, “Lasma gedli, bandang wakali dehns pa makahalata.”

Dagdag pa niya, “Sana sa pelikulang ito at sa pagganap ko sa buhay ni Yorme ay makapagbigay kami ng inspirasyon sa aming manonood na huwag susuko sa kahit ano mang pagsubok sa buhay @iskomorenodomagoso.”

Ang actor na si MacCoy de Leon ang gaganap na younger Isko noong panahong wala pa siya sa showbiz.

Mula ito sa direksyon ni Joven Tan under Sarangola Media Productions.


Kumpleto!

Lahat ng sangkap ng isang TV show ay masasabing nasa “Tutok To Win” na ni Willie Revillame.

WILLIE Revillame

Pero true-to-life ang kuwento ng mga taong natatawagan ni Willie kaya pasado rin itong maging mini-version ng “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

Ang isang natawagan ni Willie na kaantig-antig ang kuwento ay ‘yung teenager na may leukemia. Nadurog ang puso ni Willie at kung walang COVID eh gusto niyang makita ang bata.

Bukod nga sa perang ibinigay ni Willie at ng sponsors niya, nagbigay din ng P30K na dagdag ang isang kaibigan niya.

Sa totoo lang, kinukumbinse si Willie ni Pangulong Duterte na pasukin ang pulitika dahil marami siyang natutulungan.

Pero mas pinili ng TV host na manatili sa pagiging host sa TV para makatulong sa nangangailangan kesa pasukin ang pulitika.

Salute kay Willie!

What do you think?

Written by Tempo Desk

DILG slams COVID-19 vaccination of actor Mark Fernandez

Civil Union is the solution