Null
in

Mark, gustong makilala si Kira

KIRA Balinger (FB)


BY RUEL J. MENDOZA


Hindi raw pala updated si Mark Anthony Fernandez sa ka-loveteam at inspirasyon ng kanyang anak na si Grae Fernandez na si Kira Balinger.

Ayon kay Mark, ang nakilala pa lang daw niya ay si Andrea Brillantes na dating ka-loveteam ni Grae.

KIRA Balinger (FB)

“Hindi ako ina-update ni Grae. Hindi ko pa nami-meet si Kira. Hinihintay ko si Grae na ipakilala siya sa akin.”

Naniniwala raw si Mark na close friends lang sina Grae at Kira ngayon. Nangako raw kasi si Grae sa kanya na magiging seryoso ito sa career at hindi muna magkaka-girlfriend.

“The reason I allowed Grae in showbiz is that he promised me and his mom na yung career niya ang magiging focus niya. 

“Okey lang naman sa akin na magkaroon siya ng inspirasyon dahil pang-motivate din niya iyon for his work. I trust Grae na he will do the right thing,” diin nj Mark.

May mga nakaplano na raw ang Viva sa kanya pero nagkaroon ng pandemic last year.

“May naka-line up na projects ang Viva sa atin pero na-put on-hold lahat because of the pandemic. Pero may natapos akong horror movie yung ‘Biyernes Santo’ with Ella Cruz, Gardo Versoza, Andrea del Rosario and Via Ortega. Dinirek ito ni Pedring Lopez.

“Gusto ko na ring magtrabaho ulit kasi nakaka-miss na. Ready naman ako sa mga lock-in tapings.”

What do you think?

Written by Tempo Desk

Civil Union is the solution

Aamin na kaya?