in ,

Aamin na kaya?

COCO Martin and Julia Montes


BY ROWENA AGILADA


Aamin na rin kaya sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon? Naispatan silang magkasamang nagbakasyon sa Boracay.

Coco Martin and Julia Montes
COCO Martin and Julia Montes

Post-birthday treat kaya ‘yun ni Coco kay Julia na nag-birthday noong March 19?

Balitang sa Shangri-La Hotel sila tumuloy.

Matagal nang open-secret sa showbiz ang relasyon nina Coco at Julia. Pormal na pag-amin na lang nila ang inaabangan, pati ang tsismis na diumano’y may anak na sila.

Hindi na sila mga bata para magpakiyeme pa sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Mukha namang walang tumututol.


Hurting inside?

ANDREA Torres (FB)

Napangiti na lang si Andrea Torres sa pasimpleng panunukso sa kanya ni Jose Manalo noong nag-guest siya sa “Catch Me Out Philippines.”

Katabi ni Andrea si Derrick Monasterio na sabi ni Jose, “Si Derek.”

“Derrick, may Rick,” pagsalo naman ni Derrick.

Pansin ng televiewers, mukhang may lungkot pa rin sa mga mata ni Andrea kahit nakangiti siya. 

Hurting inside pa rin kaya siya?


Excited

CARLA Abellana and Tom Rodriguez

Ang daming natuwa ngayong engaged na rin sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ang daming kapuwa nila celebrities ang nag-congratulate sa kanila.

Ang daming abangers kung kailan at saan ang kanilang kasal. 

Ang dami na ring excited sa itsura ng magiging first baby ng TomCar na tiyak daw na guwapo o maganda at sana raw ay may dimples din gaya nila pareho.

Kailan naman kaya magpro-popose si Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado? 

Kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Mark, gustong makilala si Kira

China trolling for control