in ,

Never again?

HEART Evangelista-Escudero (IG)


BY ROWENA AGILADA

HEART Evangelista-Escudero (IG)

Hindi na raw tatanggap si Heart Evangelista ng endorsement na kailangang magpa-sexy siya. Napilitan lang daw siyang tanggapin noon ang endorsement para sa isang brand ng inuming pang-lalaki dahil kailangan niya ng pera.

Kinuha raw kasi ng mommy niya ang lahat ng pera niya noong mga panahong nag-rebelde siya. Umalis siya sa kanilang bahay at namuhay mag-isa sa isang condominium. 

Open book naman na may kinalaman sa kanyang lovelife kaya ginawa ‘yun ni Heart.


Matatag pa rin

DINGDONG Avanzado and Jessa Zaragoza (IG)

Nag-celebrate sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ng kanilang 20th wedding anniversary noong March 18.  Simple celebration lang na ginawa sa bahay nila.

Going strong pa rin ang relasyon nilang mag-asawa at thankful sila sa isa’t isa na sila ang pinagtagpo ng kapalaran bilang partners in life. Isa lang ang anak nila, si Jayda na isa ring mahusay na singer tulad ng kanyang mga magulang.


Taga-timpla ng kape

DEREK Ramsay (FB)

Parehas sina Derek Ramsay at Andrea Torres na hindi naniniwala sa second chance. Parehas sila ng paliwanag na kapag wala na, wala na talagang balikan.

Ani Andrea sa isang interbyu, kapag nakipag-relasyon siya ay 100 percent ang ibinibigay niyang pagmamahal. Kapag hindi nag-work at nag-break sila, ‘yun na ‘yun! 

Sabi naman ni Derek, kaya nga naghiwalay ang magka-relasyon ay dahil hindi sila magkasundo. Ano pa raw ang dahilan para magkabalikan pa?    

ANDREA Torres (FB)

In any case, happy ngayon si Derek kay Ellen Adarna at napag-uusapan na nila ang kasal. 

Dading-daddy na ang role ni Derek kay Elias Modesto, anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz. 

Ipinagtitimpla pa ni Derek ng kape si Ellen.

Nagawa kaya niya ‘yun noong “sila” pa ni Andrea?

What do you think?

Written by Tempo Desk

Bolder step

Tempo 24 March 2021, Wednesday issue