Null
Null
in ,

‘Wag masyadong umasa


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

  •  

Hi Alex,

Lumagpas na tayo ng isang taon sa pandemic at lockdown pero ngayon, parang bumabalik ulit ang nakaraang taon. Lockdown na naman sa Quezon City, may liquor ban pa. Sa ibang lugar sa Maynila, may mga naka-lockdown din! May second wave na daw at tumataas na naman ang bilang ng COVID-19 cases! ‘Yun lang naman talaga ang dapat bantayan, ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases! Ginawa na natin lahat, face mask, face shield, social distancing, lockdown, at lahat ng safety protocols! Ano ba ang dapat gawin para hindi na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases?

BJ ng Tagaytay


Hi BJ,

Para hindi tumaas ang bilang ng COIVD-19 cases, isa lang ang dapat tigilan! Ang pagbibilang! Kasi kapag hindi natin binilang, hindi na tataas! Hindi rin natin alam kung bumababa pero at least, ang mahalaga, hindi rin natin alam kung tumataas! Minsan, mas maganda ang hindi mo alam! Kasi may kasabihan – What you don’t know, will not hurt you!

  •  

Hi Alex,

Nakita ko sa news na dahil pala sa pagcomment at pagshare ng asawa ng artistang si Carlo Aquino kaya sila nagkatuluyan. Biruin mo, dahil lang pag-share, isang ordinaryong tao, nakasal sa isang artistang tulad ni Carlo Aquino! Kaya hindi ako nawawalang ng pag-asa eh! Panay share ko sa post ni Pia Wurtzbach! Dahil baka mamaya eh mapansin niya ako! Tama ba ako Kuya Alex?

Caloy ng Tanay


Hi Caloy,

Real talk lang. Ang napangasawa ni Carlo Aquino, kahit hindi artista, maganda! Kaya naman mataas ang chance nilang magkatuluyan. Saka, mukhang hindi ‘yun ang intension ng asawa ni Carlo. Mukhang nag-share lang siya dahil isa siyang fan. Ikaw, hindi ko alam itsura mo at mukhang sa simula pa lang, may malisya na agad ang intention mo. At baka hindi mo alam, may boyfriend si Pia Wurtzbach. Dapat, ‘wag tayong masyadong umasa. May chance, pero parang tumaya ka ng lotto. Baka mas mataas pa ang chance na tamaan ka ng kidlat kesa magkatuluyan kayo ni Pia. Pero pray ka rin!

  •  

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Weekly oil price hikes: Profit-making or genuine market dynamics?

Another option against COVID-19?