Null
in ,

Matulungin talaga


BY ROWENA AGILADA 


Isang charcoal portrait painting nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang ginawa ng isang stranger bilang pasasalamat sa tulong ng aktres.

ANNE Curtis with baby Dahlia Amelie (IG)

Ang Dream Machine Foundation ni Anne ang sumagot sa operasyon ng kapatid nito.

Nakarating kay Anne ang panawagan nito sa socmed para sa operasyon ng kapatid.

Nasa Australia pa siya noon at ipinamahala niya sa staff ng kanyang foundation ang pagtulong.

Ngayong nakabalik na si Anne sa Pilipinas kasama si Erwan at anak nilang si Dahlia Amelie, gusto siyang makita at makilala ng stranger para personal na pasalamatan siya at ibigay ang ginawang charcoal portrait nila ni Erwan.

Super touched naman si Anne na nagpasalamat sa socmed. 


Hands-on

MARKUS Paterson and Janella Salvador with their baby

Hands-on mommy si Janella Salvador sa anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude. Kamakailan ay nagkasipon si baby at alagang-alaga siya ng dalawa.

Nakakabilib sina Janella at Markus na sa mga murang edad nila’y responsible parents na sila.

Nami-miss na ni Janella ang showbiz. Pero priority niya ang mommy duties.


Fake news

Grabe talaga ang imagination ng ibang vloggers. 

Sa isang website ay ini-report na ikinasal na raw sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

RAYMART Santiago and Jodi Sta. Maria (IG)

Paano nangyari ‘yun, eh, hindi pa annulled ang kasal ni Jodi sa husband niyang si Pampi Lacson?

‘Yun nga ang isa sa mga naging problema sa relasyon noon nina Jodi at Vice-Governor Jolo Revilla, kaya hindi natuloy sa kasalan.

At hindi pa rin annulled ang kasal ni Raymart kay Claudine Barretto.

Sa isang website naman, inireport na diumano’y buntis na si Jodi sa anak nila ni Raymart.

Hay, naku! 

What do you think?

Written by Tempo Desk

Athletics, swimming receive biggest PSC funding

Bucks rally to beat Sixers; Curry hurt in GSW win