Null
Null
in ,

Hingi ay dasal

SHARON Cuneta and Fanny Seranno


BY JUN NARDO


SHARRON CUNETA

Humahagulgol si Sharon Cuneta sa video na pinost niya sa kanyang Instagram kamakailan.

Humihiling siya ng dasal para sa kaibigang si Fanny Serrano, ang batikang make-up artist at designer.

Sinabi ni Shawie na nagkaroon si TF (tawag kay Fanny) ng massive stroke.

Mahigit tatlong dekada nang magkaibigan sina Sharon at Fanny.

Masasabi ngang sobrang lalim na ang kanilang pagkakaibigan.

Malampasan nawa ni Tita Fanny ang krisis na ito sa kanyang kalusugan.

FANNY SERRANO

Magtatapos!

Ngayong gabi, Biyernes, ang finale ng Kapuso series na “Love of My Life.”

Mami-miss ng manonood ang galing sa pag-arte ni Coney Reyes na malaki ang kontribusyon sa series upang tangkilikin ito ng mga manonood.

Pagkatapos ng series, magpapahinga muna sa trabaho si Coney.

Aminado siyang mahirap ang role niya sa show pero masaya siya sa mga naging kasama.

Dahil sa series, nagkaroon siya ng bagong hukbo ng fans na karamihan ay mga bata.

Hindi niya ini-expect na magugustuhan ng mga tinatawag na millenials ang performance niya sa “Love of My Life.”

Well, sa totoo lang, lahat ay excited sa magiging ending ng “Love of My Life.”

Kaya huwag itong palampasin, huh!

What do you think?

Written by Tempo Desk

Jail officer killed in Iloilo road rage

ROUNDUP: PBA vets join Manila 3×3 team