Null
Null
in ,

Tigilan na ang pagbibilang


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng aga­rang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hin­di lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simu­lan na natin!

Hi Alex,

Lumagpas na tayo ng isang taon sa pandemic at lockdown pero ngayon, parang bumabalik ulit ang nakaraang taon. Lock­down na naman sa Quezon City, may liquor ban pa. Sa ibang lugar sa Maynila, may mga na­ka-lockdown din! May second wave na daw at tumataas na naman ang bilang ng COVID-19 cases! Yun lang naman ta­laga ang dapat bantayan, ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases! Ginawa na natin lahat, face mask, face shield, social distancing, lockdown at lahat ng safety protocols! Ano ba ang dapat gawin para hindi na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases!

BJ ng Tagaytay


Hi BJ,

Para hindi tumaas ang bilang ng COIVD-19 cases, isa lang ang dapat tigilan! Ang pagbibilang! Kasi kapag hindi natin binilang, hindi na tataas! Hindi rin na­tin alam kung bumababa pero at least, ang mahalaga, hindi rin natin alam kung tumataas! Minsan, mas maganda ang hindi mo alam! Kasi may kasabihan – What you don’t know, will not hurt you!

Hi Alex,

Nakita ko sa news na dahil pala sa pag-comment at pag-share ng asawa ng artistang si Carlo Aquino kaya sila nagkatu­luyan. Biruin mo, dahil lang pag-share, isang ordinaryong tao, nakasal sa isang artistang tulad ni Carlo Aquino! Kaya hin­di ako nawawalang ng pag-asa eh! Panay share ko sa post ni Pia Wurtzbach! Dahil baka mamaya eh mapansin niya ako! Tama ba ako Kuya Alex?

Caloy ng Tanay


Hi Caloy,

Real talk lang. Ang napanga­sawa ni Carlo Aquino, kahit hindi artista, maganda! Kaya naman mataas ang chance nilang mag­katuluyan. Saka, mukhang hindi yun ang intension ng asawa ni Carlo. Mukhang nag-share lang siya dahil isa siyang fan. Ikaw, hindi ko alam itsura mo at mukhang sa simula pa lang, may malisya na agad ang inten­tion mo. At baka hindi mo alam, may boyfriend si Pia Wurtzbach. Dapat, wag tayong masyadong umasa.

May chance, pero parang tu­maya ka ng lotto. Baka mas mataas pa ang chance na tamaan ka ng kidlat kesa magkatuluyan kayo ni Pia. Pero pray ka rin!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

It started as an issue over the color of Meghan’s baby

Missing oral sex