Null
Null
in

Kelvin Miranda, humakot ng awards

KELVIN Miranda (FB)


BY RUEL J. MENDOZA


Humahakot ng awards ang bida ng “The Lost Recipe” na si Kelvin Miranda.

KELVIN Miranda (FB)

Kelan lang ay nagwagi si Kel­vin sa 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millen­nium.

Ang Asia Pacific Luminare Awards ay kumikilala sa achieve­ments at contributions ng iba’t ibang mga personalidad.

Ayon sa kanilang website: “Asia Pacific LUMINARE Awards and Asia’s Top Luminary Awards would like to honor and recog­nize them for their contribution and accomplishments.

“It is essential that we learn from their experiences and encourage them to continue in what they are doing and even support their growth so that they can be more and do more.”

Noong January 2021, nagwag­ing Best Young Actor si Kelvin sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang “Dead Kids.”

Siyempre pa, masaya ang binata sa pagkilala sa kanyang husay sa pag-arte.

“Masaya po ako dahil magan­da ang salubong sa akin ng 2021. Bukod sa ‘The Lost Recipe,’ na-appreciate po ng mga tao ang pelikula naming pinamagatang ‘Dead Kids,’” sey ni Kelvin.

Suwerte din si Kelvin dahil patuloy na pagtaas ng ratings nang “The Lost Recipe” kunsaan bida siya bilang si Chef Harvey Napoleon.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Pope Francis cites OFWs’ role in growth of Catholic faith

Unlikely pairing