Null
in ,

Sharon at Gabby, pabataan!

MARCO Gumabao, Sharon Cuneta, Sanya Lopez, Gabby Concepcion


BY JUN NARDO


Tila may kumpitensya pagdat­ing sa mga kapareha sa screen ang former couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa Kapuso series ni Gabby na “First Yaya,” kapareha niya ang batambata at seksing si Sanya Lopez.

Ang young hunk na si Marco Gumabao naman ang leading man ni Shawie sa Viva movie niyang “Revirginized.”

MARCO Gumabao, Sharon Cuneta, Sanya Lopez, Gabby Concepcion

Sa Instagram pictures na pinost ng Megastar, may litrato silang magkasama ni Marco at katabi nito ang litrato ni Gabby with Sanya. Caption ni Sharon sa pictures:

“And you, Kristina’s Papi! Kala mo ikaw lang ang may batang partner ha?! Game ka na ba?!

“Ako walang kaproble-prob­lema. You na lang ang hinihintay ng bansa!”

Ang huling kataga at tila pa­haging ni Mega sa kanilang balik-tambalan.

Ilang beses nang naunsyami ito.

Ready si Sharon kaya hamon kay Gabo ang post ng dati niyang asawa, huh!


Nag-asawa na rin!

RYAN Stadler and Dionne Monsanto (FB)

Ang dating aktres na si Dionne Monsanto ang latest celeb na nagpakasal.

Pero sa Switzerland naganap ang civil wedding ceremony ni Dionne sa foreigner fiancé niya na si Ryan Stadler last March 9.

Last March 8 naman nagpak­asal ang aktres na si Sam Pinto sa basketbolistang si Anthony Semerad.

Ginanap ang kasal sa isang ho­tel na malapit sa Manila Bay.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Xian Lim, nagulat kay Kim Chiu!

TEMPO Front Page March 12, 2021