Null
in ,

Oral contraceptives


BY RICA CRUZ


Magandang Araw po Doc Rica,

Patulong po sana ako sa con­traception. Meron na kaming tatlong anak ng aking asawa. Umiiwas kami sa pang apat pero medyo hindi kasi kami komportable sa paggamit ng condom. Iniisip kong gumamit ng mga birth control pills pero gusto kong malaman kung gaano katagal ba ito pwedeng itake at kung meron ba itong mga long term side effects? Maraming Salamat.

Dilaw Ilaw


Magandang Araw din sa’yo Dilaw Ilaw,

Mabuting step ang pagcocon­sider ng iyong mga kakayanan at kapabilidad sa pagaalaga at pagpapalaki ng inyong mga anak. Kaya mainam din ang pag iwas sa pagkakaroon ng isa pang anak lalo na kung makakaapekto na ito sa inyong pamumuhay. Maganda din na hindi ang pagiwas lang sa sex ang inyong maging solusyon kundi ang paggamit ng mga scientific and healthy meth­ods sa inyong pagpaplano ng pamilya.

Madaming information avail­able tungkol sa oral contra­ceptives kagaya ng pills. Safe gamitin ang birth control pills lalo na ng mga hindi naniniga­rilyo. Maaari nila itong gamitin throughout their reproductive years. Walang medical indica­tion ang pagpapatigil mag-pills. Ang pagtigil nga nito ay nakakapagpataas ng risk for pregnancy. Hindi din malaki ang epekto nito sa future fertility o nakakapagpabago ng meno­pause timing. Only less than 3 percent of birth control pill users have a delay in the return to fertility.

Based sa research, nakaka­pagpababa ng risk of endome­trial and ovarian cancer ang paggamit ng oral contracep­tives at nakakapagpataas na­man ng risk for cervical cancer and liver sa mga gumagamit ng more than 5 years.

Pinaka mainam ang komun­sulta sa iyong doktor para din sa specifics ng iyong health in consideration of family history and current situation. I am sure makakapag bigay sila ng mas comprehensive at mas deta­lyadong diagnosis at makaka­pagsuggest ng contraceptive method for you. Always enjoy and be safe!

With Love and Lust,

Doc Rica

Rica Cruz, PhD, RPsy is a Psychologist, Sex and Rela­tionship Therapist and Sex Educator. She is a co-host of the program Feelings at OnePH Channel 1, and listen to her podcasts, Conserva­tive Ako and The Sexy Minds. Follow her on Facebook.com/thesexymind or Instagram @_ricacruz.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Cleanup of polluted waters of Manila Bay under way

MPBL postpones Davao-Basilan decider due to COVID-19 positive case