Null
in ,

Shooting ng ‘Yorme’, umarangkada na!

McCoy de Leon


BY JUN NARDO


Nagsimula na ang shooting ng pelikulang “Yorme” nitong nakaraang araw sa Pritil area, Capulong St., Tondo, Manila.

Siyempre, kapag nabanggit ang salitang Yorme, alam na nang lahat na si Manila Mayor Isko Moreno ito.

Ang napiling gumanap bilang batang Mayor Isko ay ang aktor na si McCoy de Leon.

McCoy de Leon

Sa ilang pictures na nakita namin sa social media, makikita si McCoy na nagmamaneho sa tinatawag na padyak.

Bago nadiskubre sa showbiz, isang mangangalakal si Isko. Nang mapasok sa showbiz, the rest is history at inagaw siya ng pulitika.

Ang “Yorme” ay produced ng Saranggola Media at mula sa direksyon ni Joven Tan.

Ang tanong, sino naman kaya ang old Isko?

Big reveal yan na aabangan!


Pinuri!

Patok para sa Kapuso actress na si Aiko Melendez ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix matapos nilang magsama sa Kapuso mini series na “I Can See You 2” sa episode na “Future.”

MIGUEL Tanfelix and Aiko Melendez

“First time to work with @migueltanfelex. I admire his attitude on the set. Napakabait. Humble at walang reklamo,” caption ni Aiko sa litrato nila ni Miguel sa kanyang Instagram.

Umaasa si Aiko na muli silang magkakasama ni Miguel sa mas mahabang project.

“Magaling ‘yan eh,” saad pa ni Aiko.

Ang “Voltes V Legacy” ang next project ni Miguel kung saan isa siya sa leads.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Duterte to Leni: Hindi ako pikon

Luis-Jessy, kasal na?