Null
in ,

Sino ang kasunod?

ELLEN Adarna and Derek Ramsay


BY JUN NARDO


Umamin na sina Derek Ram­say at Ellen Adarna sa kanilang relasyon.

ELLEN Adarna and Derek Ramsay

Who’s next? Gerald Anderson and Julia Baretto? Bea Alonzo and Dominique Roque? Naku, aamin nga ba?

Anyway, ang inaabangan ng publiko ngayon, ang pag-amin nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na balitang hiwalay na. Aamin kaya?

Baka maunahan pa sila ni Robin Padilla sa pagsasabi ng real score sa anak at asawa niya.

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica

Papa’s girl si Kylie kaya hindi niya pababayaan ang anak sa sitwasyon niya ngayon.

Sa totoo lang, parang nor­mal pa rin ang sitwasyon sa showbiz – buhay na buhay pa rin ang samu’t saring issues at controversies!


Okay lang

Walang pagtatampo ang Star­struck winner na si Shayne Sava kahit naunahan siya ng co-“Starsruck” contestant na si Lexi Gonzales sa pagkakaroon ng regular series.

SHAYNE Sava and Abdul Raman (FB)

Sumabak na si Shayne sa unang Kapuso series na “The Legal Wives” kung saan sila ni Abdul Rahman ang magkapareha.

“Right timing lang siguro. E willing naman ako to wait. Kung hindi nagkaroon ng pandemic e baka nagkaroon na ako ng regular series last year,” pahayag ni Shayne sa amin.

Kay Abdul inirereto si Shayne. Kinakitaan kasi sila ng chemistry noong “Starstruck” days nila. May posibilidad ba silang magkagustu­han? Tutal naman, magkasundong-magkasundo sila?

“Wala pa po sa isipan ko ‘yan. Bata pa ako,” sagot ni Shayne.

Pero para kay Abdul, “Posible po. Ang ganda ng mata ni Shayne!”

Tungkol sa kulturang Muslim ang kuwento ng “Legal Wives” at pinag­bibdahan ito ni Dennis Trillo.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Galvez gets colds after taking Sinovac shot

Ambilis!