Null
Null
in ,

Kasalanan ng lubak


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Dahil quarantine, madalas ako magpadeliver ng pagkain. OK naman ang mga deliveries na mga pagkain maliban sa ibang na-order ko. Kapag umoorder kasi ako ng cake, pagdating sa bahay namin, lahat ng icing nakadikit na sa karton! Pati ang message na nakasulat sa cake, hindi na mabasa! Nagpadeliver ako ng halo-halo, pagdating sa amin, nakahalo na, hindi ko na nakita ang ube at leche flan sa ibabaw! Umorder ako minsan ng sisig, pagdating sa akin, nakahalo na ‘yung itlog at chicharon! At ang pinakaayaw ko kapag umoorder ako ng rice toppings! Pagdating sa bahay namin, yung toppings, nagkalat na sa ilalim! Kaya nga rice toppings, dapat nasa ibabaw ang ulam! Nakakainis tuloy kainin minsan! Ano bang dapat kong sabihin sa mga nagdedeliver sa amin?

Celso ng Pasay


Hi Celso,

Wala kang sasabihin sa mga delivery drivers kasi wala naman silang kasalanan! Sisihin mo ang mga lubak at humps sa lugar niyo! Malamang ‘yan ang salarin! Ikaw lumagay sa kalagayan nila, may dala kang cake tapos ilang humps at lubak ang dadaanan mo! Tapos nagmamadali ka dahil gusto mo mabilis ang delivery! Kung maselan ka sa pagkain, ikaw mismo ang bumili ng mga pagkain nasabi mo, isakay mo sa motor! Tignan mo itsura kapag nakarating sa bahay!

Hi Alex,

Effective ba ang mga nilalagay sa ulo para tumubo ang buhok. May nakita kasi ako sa online na binibenta na Minoxidil. Ilalagay mo daw sa ulo mo at tutubo na ang buhok. Kalbo na kasi ako at gusto ko subukan at baka tubuan ulit ako ng buhok. Anong masasabi mo Kuya Alex, subukan ko ba?

Danny ng Baclaran


Hi Danny,

Kalbo ka na diba? Subukan mo, walang mawawala! Kapag effective, magkakabuhok ka, kapag hindi, kalbo ka pa rin! Life goes on!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

What do you think?

Written by Tempo Desk

UPDATED: Rain or Shine taps Gavina as new head coach

Duterte sees PH return to normalcy in 2023