Null
Null
in ,

Enchanted mango


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng aga­rang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

May puno kami ng mangga sa loob ng bakod namin. Maram­ing mga dumadaan ang nag­sasabi na may nakatira daw na engkanto sa mangga namin. May mga nagsasabi na kapre o tikbalang daw ang nakatira sa mangga namin. May mga nagr­ereklamo kaming kapitbahay dahil minamalas daw sila dahil may nakatirang engkanto sa puno ng mangga namin. Totoo kaya ang sinasabi nila?

Pia ng Bataan


Hi Pia,

Maaring totoo o maaring hindi. Pero kahit ano pang sabihin ng kapit-bahay mo, ‘wag mo na lang pansinin. Puno mo naman ‘yan! Puno mo, desisyon mo! Saka magbabago ang isip nila diyan kapag namunga na ng mangga ‘yan! Nakapila sa iyo ‘yan para humingi ng bunga! ‘Wag mong bigyan, sabihin mo bilin ng kapre at tikbalang!

Hi Alex,

Buntis ang aso kong askal at maraming mga kaibigan ko ang nanghihingi ng magiging anak nito. Walo na ang kaibigan ko na nagpareserve. Malaki raw ang tiyan ng aso ko at mukhang maraming magiging anak. Saka binilang nila ang suso at walo daw ang suso kaya wala daw anak anak. Naghihintay na sila manganak dahil excited na raw sila makita ang mga tuta nito. Paano ba malalaman kung ilan ang magiging anak ng aso ko?

Conching ng Batangas


Hi Conching,

Paano malalaman kung ilan ang magiging anak ng aso mo? Hintayin niyong lumabas! Susme, wala sa laki o bilang ng suso ‘yan! Bakit ang mga tao, dalawa ang suso, eh isa lang ang anak! Oo may mga nangangaak ng kambal pero may mga nan­ganganak din ng triplets, nagig­ing tatlo ba ang suso ng babae! Saka ‘wag kayong papasiguro dahil hindi natin alam kung mabubuhay lahat hanggang hindi pa naglalakad ang mga tuta! Ganyan ang nangyari sa aso ko! Walo ang nilabas na tuta! Patay lahat kasi hindi inalagaan ng nanay! Pagkapan­ganak, gumimik agad at iniwan ang mga tuta kaya patay lahat! Pati ‘yun nanay, patay din kasi nabinat kakagimik!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­[email protected] face­book/twitter/instagram: alex­calleja1007.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Why we still don’t have mass vaccinations

Wax foreplay