Null
in ,

Ano ba talaga?

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica


BY JUN NARDO


Ano ba ang totoo sa usapang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

Nahiwagaan kami pati na rin ang ilang fans sa mga sunod-sunod na Instagram post ni Kylie kamakailan.

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica

Isa na nga rito ang picture niya na walang suot na wedding ring.

Sa isa pa niyang post, nakasulat ang caption na, “Free.”

Dahil dito may ispekulasyon na hiwalay na ang showbiz couple.

Tinext namin ang alam naming manager ni Kylie.

Pero sa sagot niya, hindi na raw niya nakakausap ang dalawa at matagal na raw siyang hindi manager ni Kylie.

Nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa breakup issue as of this writing.


ALBERT Martinez (FB)

Kumpirmado!

Totoo ang tsismis! Balik-TV muli si Albert Martinez.

Pero hindi sa ABS-CBN.

May gagawing series ang award-winning actor sa GMA Network.

Nakipag-meeting na diumano si Albert ukol dito.

Abang-abang!

What do you think?

Written by Tempo Desk

Food bits

600,000 doses of Sinovac vaccine to arrive in PH Sunday – envoy