Null
Null
in ,

Sino si Michael


BY ALEX CALLEJA

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Napapadalas magpalinis ang mister ko kuko sa paa at kamay. Home service. Ngayon taon lang siya napadalas magpahome service. Halos dalawang beses isang linggo kung magpahome service kaya medyo nag-iisip na ako. Kasi babae ang manikurista at may itsura. Kapag linilinis ang kamay niya, parang kinikilig ang mister ko! Hindi ko alam kung ‘yung kamay ng mister ko ang hinahawakan ng manikurista o ‘yung mister ko ang nakahawak sa kamay ng manikurista! Kapag sa paa naman ang linilinis, hindi ko alam kung binibosohan ng mister ko kasi kita ang cleavage! Parang minsan ang pakiramdam ko, nagpapaboso rin ang manikurista! May kalandian din eh! At ang panghuli, ang lakas magbigay ng tip ng mister ko, ₱500 ang binibigay kada punta! Ano ba ang dapat kong gawin?

Perly ng Pasay


Hi Perly,

Ayaw mo ba nun at malinis sa katawan ang mister mo! Saka sa bahay mo nagpapalinis kaya ang ibig sabihin walang masamang ginagawa ang mister mo! Matakot ka kung umaalis at sa mismong parlor nagpapalinis! Ikaw ang malisyoso! Teka nga pala, may contact number ka ba ng manikurista at baka magpa-home service din ako. Madumi na ang kuko ko sa kamay at paa eh.

Hi Alex,

May problema ako sa sa mister ko. May kutob ako na may babae kasi laging may kausap sa cellphone. Kapag nakikita ako, agad binababa ang telepono. Minsan, nakatulog siya at tinignan ko ang cellphone. Tinignan ko ang call logs ng cellphone para malaman ko kung sino ang madalas niyang kausap. Nagulat ako kasi puro Michael ang nakita kong pangalan. Sunod-sunod ang usap nila ni Michael. Walang ibang nakalagay sa call logs niya kungdi Michael. Binilang ko pa nga at lagpas 100 times na mula ng isang linggo. Sino po kaya si Michael?

Donna ng Taguig


Hi Taguig,

Dalawa ang nasa isip. Kung si Michael ay lalake, bakla ang mister mo dahil wala pa akong kaibigang lalake na kinausap ko ng 100 beses sa loob ng one week. Pero kung si Michael ay codename, babae ‘yan at ang pangalan ay Michelle. Ikaw na bahala kung ano ang gusto mo, bakla o babaero ang mister mo.

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] com or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

What do you think?

Written by Tempo Desk

A targeted, calibrated easing of restrictions for Metro Manila

Muntinlupa City gears up for COVID vaccine rollout