Null
in ,

Tanya Garcia, sinampal!


BY JUN NARDO


TANYA Garcia

Pinatikim ng aktres na si Carmina Villaroel kay Tanya Garcia-Lapid ang bagsik ng kanyang mga kamay sa upcoming Kapuso afternoon series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Unang sabak ni Carmina bilang kontrabida sa GMA at taliwas sa screen image niya na kikay, bungisngis at iyakin, dito ay talaga namang palaban siya.

“Kung mabigat ang kamay ni Carmina? Ha! Ha! Ha! Kinaya ko naman. Agad naman siyang humingi ng sorry after ng take,” saad ni Tanya nang matanong ukol dito sa virtual mediacon ng programa.

Muling magsasama sa series sina Carmina at John Estrada. Kung hindi kami nagkakamali eh pangatlong series na nila ito ni Mina sa GMA.

“Hindi ko nga inakala na magkaka-loveteam pala ako sa GMA kung kailan ako nagkaedad! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni John.

“But I am so thankful dahil tinanggap ni Carmina ang series. Matagal na kaming magkasama sa trabaho and I am glad na kaming dalawa uli ang magkasama rito,” sey naman ni John.

Ang “Babawiin Ko Ang Lahat” ay biggest break ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza. Huli niyang ginawa ang fantasy drama na “Kambal, Karibal.”

Isa ring baguhan, si Liezel Lopez, ang makakaengkuwentro ni Pauline dito.

Magsisimula umere sa Feb. 22 ang “Babawiin Ko Ang Lahat” sa GMA Afternoon Prime.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Japanese cyclist who once competed in PH now Tokyo 2020 president

Dahil sa pagmamahal