Null
Null
in ,

Balak bibili ng smuggled vaccine


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

May kumakalat na balita na may nakapasok na raw na vaccine sa lugar namin. Pfizer pa raw ang vaccine at madami na raw ang nagpaturok. Binibenta daw ito malapit sa palengke at medyo may kamahalan nga lang (limang libo ang nabalitaan ko). Balak kong bumili at subukan. Pagkatapos ko, wag kang mag-alala, sasabihan kita. O baka gusto mong sumabay, sabihan mo lang ako. Idol kita eh!

Jasper ng Cainta


Hi Jasper,

Sige, kapag bumili ka at nagpaturok ka, sabihan mo lang ako para alam ko! Sabihan mo lang ako kung saan ang lamay o burol mo para alam ko kung saan kita pupuntahan at dadalhan ng bulaklak!

Hi Alex,

May good news ako! Sa wakas pinansin na rin ako ng classmate ko na crush ko! Nag-usap kami online kanina! Habang nag-uusap kami, sinabihan niya ako na kung pwede off ko raw ang video.

Sinunod ko siya. Ang sabi niya sa akin, mas ok daw ako kausap kapag naka-off ang video! Kinilig ako! Ibig sabihin, gusto niya naririnig ang boses ko! Ibig sabihin, baka crush niya rin ako! Sobrang saya ko Kuya Alex! Ano kaya ang magandang itatanong ko sa kanya? Kung crush niya ako, kung pwede ko siyang ligawan o kung pwede akong dumalaw sa bahay nila kahit quarantine? May suggestion ba kayo Kuya Alex kung ano ang susunod na itatanong ko sa crush ko?

Kyle ng Makati


Hi Kyle,

Siguro ang magandang itanong mo sa crush mo eh bakit mas gusto ka niyang kausap na naka-off ang video. Mas dun ako concern. Hindi ka ba concern dun? Hindi ka ba nag-isip. Parang nag-audition kang artista sa TV pero sinabihan ka, ang mukha mo, pang-radyo! Yan ang dapat mong itanong sa crush mo!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

A reminder on the problem of pollution in Manila Bay

Buffet, anyone?