in ,

Sarah G., commercial queen

SARAH Geronimo (FB)


BY ROWENA AGILADA


SARAH Geronimo

Bongga si Sarah Geronimo. Aba’y malayo pa ang virtual concert niya on March 27 pero mukhang patok ito.

Ang dami nang nagpapa-reserve ng tickets! Dito at sa abroad!

May bago ring endorsement si Sarah.

Sunod-sunod ang swerteng dumating sa buhay niya simula noong nag-asawa siya.

Ang dami niyang bagong endorsements, kaya naman tinagurian siyang bagong Commercial Queen.


Nadismaya

Nag-family vacation sa Bohol sina Gabbi Garcia na nagkaroon ng mixed emotions pagkakita sa lugar.

GABBI Garcia

Happy siya na nakabalik sila sa Bohol na sa pagkatanda niya, eight-years-old pa lang siya noong huling punta nila roon.

Nalungkot lang si Gabbi nang pumunta sila sa Aloha beach na aniya, parang station 2 ng Boracay. 

Nadismaya si Gabbi sa maraming basurang plastik na nakita niya at pinulot.  

Nanawagan siya sa mga taong nagpupunta roon na sana raw ay matutong pahalagahan ang kalikasan. Maging responsible daw sa pagtatapon ng mga basura at huwag basta ikakalat na lang kung saan-saan.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Winwyn, hindi na single

What’s the Kingstone agenda?