in ,

Marian, walang panahon sa stress

MARIAN Rivera (FB)


BY JUN NARDO



May bagong pinagkakaabalahan si Marian Rivera. Pumirma siya muli bilang endorser ng Walter Mart. At bilang bonus, sa second year niya bilang endorser, kasama na ni Yan sa ginawang TV commercial ang sikat na anak na si Zia.

Bakit Walter Mart?

MARIAN Rivera (FB)

Ani Yan, “Talagang napaka-easy mamili sa Walter Mart – mapa-online or in-store. Ang daming reasons para ma-in love ka.”

Masigla at masaya si Yan nang makaharap namin, huh!

Parang walang stress na nadama matapos lumabas ang tsismis na nabuntis ng asawang si Dingdong Dantes ang hindi na aktibong aktres na si Lindsay de Vera.

Pag-amin niya, “Naku, walang panahon ang stress sa akin! Sanay na ako sa mga tsismis. Artista kami, asahan mo ang iba’t ibang tsismis at intriga sa buhay mo.

“E kung alam mo namang hindi totoo, bakit mo papansinin ‘yon? Super happy kami ni Dong bilang mag-asawa!

“Siguro, ang susunod na issue e buntis na naman ako! Naku, wala pa! May gagawin pa akong trabaho,” rason ni Yan.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang gumawa ng isang sitcom.

“Para magaan lang. Siyempre, si Dong na ang gusto kong makasama. Hintay lang kayo at malalaman ninyo ang iba pang detalye,” sey niya.

Ang Love Everyday ang bagong campaign ng Walter Mart na mayroong 39 branches across Metro Manila, Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Tarlac, Pampanga at Bataan.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Death by sex

He has done all things well