Null
in ,

Adik sa K-drama


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyong lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito ay totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Ang hilig ng misis ko manuod ng K-drama. Umaga, tanghali hanggang gabi! Minsan, nagising ako madaling araw, gising na at nanunuod ng K-drama! Gwapong-gwapo at kilig na kilig sa mga lalakeng Koreano! Lahat ng videos sa mga K-drama, pinapanuod! Lahat ng K-drama sa Netflix, nakapila! Nakakainis na! Puro Korean ang naririnig ko sa bahay! Kapag tinitignan ko naman, magkakamukha! Puro chinito! Hindi naman ako na gagwapuhan! Ikaw ba Tito Alex, nagagwapuhan ka ba sa Koreano?

Zaldy ng Pateros

Hi Zaldy,

Oo, nagagwapuhan ako! Lalo na kay Park Bo-Gum! Annyeonghaseyo!

*

Hi Alex,

Valentine’s Day na sa darating na Sunday at excited na ako! Kasi sa sampung taon naming pagsasama ng misis ko, hindi ko pa siya nabibigyan ng flowers! Limang taon kaming mag-syota pero hindi ko rin siya nabigyan ng flowers. Hindi ko kasi ugaling magbigay ng flowers. Pero ngayong darating na Valentine’s Day, first time kong gagawin na magbigay at nakaka-excite pala talaga! Kasi gusto kong makita ang reaction ng misis ko! Siguradong mabibigla at matutuwa ‘yun! OK ba ang gagawin ko Kuya Alex?

Manuel ng Navotas

Hi Manuel,

Mabibigla ang misis mo, yan sigurado ako, pero sa matutuwa hindi ako sigurado. Siguro nagulat ka sa sagot ko ‘no? Bakit ko nasabi ‘yun? Kasi ikaw na mismo ang nagsabi na hindi mo ugaling magbigay ng flowers. Five years kayong mag-syota pero hindi ka nagbigay ng flowers. Ngayon, sampung taon na kayong kasal, first time ka pa lang magbibigay ng flowers. Ano sa tingin mo ang iisipin ng misis mo? Bakit all of a sudden magbibigay ka ng flowers, bakit sa tagal-tagal ng panahon, ngayon mo lang naisipan magbigay ng flowers? May nagawa ka bang malaking kasalanan kaya ka nagbigay ng flowers. Hindi ko sinasabing tama ako Manuel, pero pag-isipan mong mabuti yan! Saka may tanong ako, baka naman may kasalanan ka talaga kaya ka magbibigay ng flowers?

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

Laguna Heroes bounce back, trounce Iriga City Oragons

Tokyo Olympics boss Mori to resign over sexist remarks