Null
Null
in ,

Wala pang vaccine sa Pinas


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga ta­ong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Hu­wag niyo nga lang sesery­osohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Gusto ko na po magpa-vaccine para bumalik na sa normal ang bu­hay ko. Sa ibang bansa, madami na ako kakilala na nagpapa-vaccine na, bakit sa Pilipinas wala pa rin? Pero hindi ako naniniwala na wala pa sa Pilipinas! Malamang meron na pero hindi lang pinagkakalat! At alam ko may alam ka Tito Alex. Kaya nakikiusap ako, sabihin mo naman kung saan makakabili please. May pera akong pambili pero sana may discount naman para makatipid. Tulungan mo naman ako please!

Precious ng Davao Cityi


Hi Precious,

Bago ko sagutin ang tano ng mo, hindi porke’t may vaccine ka na sa katawan eh agad-agad babalik sa normal ang bu­hay mo. Tuloy pa rin ang pagsunod mo sa safety protocols tulad ng pag­suot ng face mask, face shield, hand washing, at social distancing. Para sagutin ang tanong mo sa vaccine, wala pa talaga sa Pilipinas at hindi totoong may alam ako kung saan makakabili! Hindi ako ga­nun ka-powerful! Saka, discount pa ang hinah­anap mo! Anong akala mo sa vaccine, mabibili mo sa Lazada at Shopee!

*

Hi Alex,

Bakit ganun Kuya Alex, kapag maaga ako natutu­log, maaga rin ako nagi­gising, kapag late na ako natutulog, late na rin ako nagigising! Ang gusto ko sana, kapag maaga ako matulog, late ako magi­gising. Kapag late naman, gusto ko, mas late pa ako magigising! Ano ba ang dapat kong gawin?

Linda ng Capaz, Tarlac


Hi Linda,

Mas OK na ‘yang sit­wasyon mo na maaga mat­ulog, maaga magising, late matulog, late magising! Ang dapat mong iwasan, maaga man o late matulog, eh ang hindi magising!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]

facebook/twitter/insta­gram: alexcalleja1007.ce­book/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

For everything, there is a proper time

Gordon’s knot