Null
Null
in ,

Sana dalawa ang puso ko

BY ALEX CALLEJA

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng aga­rang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hin­di lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simu­lan na natin!

Hi Alex,

Kuya Alex, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Dito sa bahay namin, bago pa lang magpandemic, ang dami nang bawal! Bawal lumabas paglagpas ng alas-diyes, bawal magpuyat, bawal matulog sa ibang bahay, bawal kumain ng matamis, bawal gumamit ng Internet paglagpas ng alas dose, bawal mag online games, at bawal ang mag-out of town! Ngayong may pandemic, bawal pa rin lumabas ng bahay, bawal ang hindi naka-mask, bawal pumunta sa barkada, bawal puntahan ng barkada, bawal magpadeliver, bawal pa rin magpuyat, at bawal pa rin mag online games! Nakakainis na! Bakit ba ang daming bawal sa mundo??!!

Carlile ng San Pablo

Hi Carlile,

Gusto ko sana sagutin ‘yan kaya lang bawal. Pasensiya na.

Hi Alex,

May girlfriend ako at masa­ma mang sabihin eh nagkaka­gusto ako sa kaibigan niya. Nagsimula ito nang pinakilala siya sa akin ng girlfriend ko dahil malungkot daw at niloko ng boyfriend. Kaya lagi namin siyang kasama. May mga pag­kakataon na nag-usap kami na kami lang kaya naging close kasi. Hindi ko alam na main-love ako sa kanya. Hindi ito alam ng girlfriend ko. Kaya na­lulungkot ako dahil bakit iisa lang ang puso. Sana dalawa ang puso ng tao kasi mahal ko rin ang girlfriend ko, mahal ko na rin ang kaibigan niya. Kuya Alex, bakit ba hindi dalawa ang puso ng tao?

Milton ng Pasay City

Hi Milton,

Bago ko sagutin ‘yan, hindi mo nasabi kung gusto ka rin ng kaibigan ng girlfriend mo. Saka bakit gusto mo maging dalawa ang puso mo? Isang puso na nga lang ang mahal na eh, dalawa pa! Kapag nagpa-checkup ka, dalawang beses ka papa-ECG at 2D echo. Tapos paano ka kapag kakanta ng Lupang Hinirang, san mo ilalagay ang kamay mo eh dalawa ang puso mo! Kapag dalawang kamay ang ginamit mo, Wakanda Forever yun! Saka kapag inatake ka sa puso, dala­wang beses, sakit nun! Ayusin mo na lang ang sitwasyon mo at wag mong pakialaman ang katawan mo na maayos namang ginawa ng Diyos!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalle­[email protected]

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

Private enterprise must help clean up Metro rivers

Re-orienting towards sustained and inclusive economic growth