Null
Null
in ,

Walang kuwentang asawa

Hi Alex,

Nag-aaway kami lagi ng mister ko. Kasi lagi niyang inuuna ang ang inuman at barkada kesa aming pamilya niya. Halos araw-araw kasama niya ang barkada sa inuman! Tapos kahit wala kaming makain sa bahay, hindi siya apektado!

Nakakainis!

Hindi ko naman mahiwalayan dahil wala din akong pera at mapupuntahan!

Ano ba ang gagawin ko?

Seling ng Malabon

Hi Seling,

Siraulo ang asawa mo at wala siyang kuwentang asawa at ama!

Pero dahil hindi mo siya mahiwalayan, nakaisip ako ng solusyon!

Dahil araw-araw siyang umiinom kasama ang mga barkada niya, sumama ka at isama mo mga anak mo sa inuman!

Hindi ka iinom ha! Sasama ka lang dahil sa inuman, may pulutan!

Dun kayo kumain ng mga anak mo, kainin mo ang pulutan!

Manghingi ka rin ng kanin para talagang mabusog kayo!

Solve ang problema mo sa gutom.

Hayaan mong magkasakit sa atay ang asawa mo! Tantado siya e!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Defanged sectors

Fernandez working hard to get approval for SEAG bets training