Null
in ,

May stigma ba sa pagiging bold star?

By MELL T. NAVARRO

 

Apat na sex goddesses ng Philippine Cinema – mula sa iba’t ibang dekada – ang cast ng “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar,” written and directed by Direk Darryl Yap na siya ring may likha ng hit na “Jowable.”

Sila ay sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor na mga nagbida at nakilala ng publiko sa mga seksing pelikula nila noon.

Ito ang initial offering ng Viva Films sa Vivamax, ang pinakabagong streaming platform para sa mga pelikula, series, at concerts na produced ng kumpanya.

1

Natanong ang apat kung may “stigma” ba na kaakibat sa pagiging isang sexy star.

“Wala akong naramdaman noon na stigma, kahit sa family ko, kahit na ako pa ang youngest bold star noon,” sagot ni Alma. “Siguro, na-maintain ko lang ang respeto. Wala akong experience na minaliit ako sa mga nakakasama ko noon.”

Pag-amin ni Rosanna: “Ang stigma sa akin ay sa loob na rin ng showbiz, sinabihan akong wala akong ibang alam na gawin kundi ang magbuhad.  Lalo na pag awards night na, ‘di ka ipapanalo kahit deserving ka.

“Sa loob mismo sa industriya ang lalait sa iyo.  Sabi nga minsan ng mas senior sa akin, bakit daw ako ininterbyu eh wala akong alam na gawin kungdi bumukaka… E nakita ko siya sa isang resto, dinaaanan ko sya, sabi ko, ‘Pasensiya ka na, panahon ko ngayon!’

Sagot naman ni Ara:   “Wala namang bad experience.  Nagkaroon lang ako noon ng non-showbiz boyfriend, na ‘di natanggap ang ginawa ko. Na-shock na lang siya, nakita niya ang sexy photos ko sa tabloids!”

Pag-share naman ni Maui: “May ka-relationship ako noon, ‘di niya tanggap ang work ko…  I was introduced to his mom.  Ang sabi ng mom, ‘Di ba, hooker siya sa club?’ Na-shock ako!  That’s how they looked at me pala.”

Sasamahan ang apat sa pelikula ng newbreed of Viva artists na sina AJ Raval (anak ni Jeric Raval), Anna Jalandoni, at Rose Van Ginkel.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Women’s invitational chess tournament slated

Aguirre assumes Napolcom post