Null
in ,

Mga plastic!

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

kampupot

Super hate ng isang singer ang kapuwa niya singer. Plastik daw ito. Kapag magkaharap sila, super tsikahan sila.

Minsang nagkasabay silang mag-guest sa isang TV show ay aksidenteng nahulog sa stage si singer no. 1.

Imbes tulungan, nagparinig pa si singer no. 2 na baka raw gimik lang ‘yun ni singer no. 1 para mapag-usapan.

Mas sikat kasi at mas maraming hit songs si singer no. 1.

Mas okay din ang PR, kaya well-loved ng entertainment press.

Enter singer no. 3.

Kinuwestiyon nito ang isang song na ini-record ni singer no. 1.

‘Yun daw ba ang ipantatapat nito sa mga kanta ng dalawang popular singers?

E, nag-hit ang song ni singer no. 1.

Ngayon gusto na siyang i-manage ni singer no. 3.

May lihim pala itong agenda, kaya na-plastikan din sa kanya si singer no. 1. (Rowena Agilada)

What do you think?

Written by Tempo Desk

Real happiness

Ano’ng sakit?