Null
in ,

Kamote daw?

 

BY DANTE LAGANA

 

 

kampupot

Sadyang hindi makalimutan ng source namin ang malokong aktor (MA) kapag napapanood niya ito sa isang gag show sa TV.

Bakit kamo?

Well, noong college days daw ni MA makulit daw ito at mahilig magpa-bibo sa classroom.

Pambubuking pa ng source, mahilig daw sa sosyalan at extra-curricular activities si aktor pero kamote raw sa aca­demics.

Naku, huh!

At hindi lang yun.

Dagdag pa ng aming source, mahilig daw si MA mangopya.

Present din ito parati sa mga make-up classes at summer classes noon.

Despite the non-effort, naka­graduate naman daw ng college si MA.

Hindi lang daw siya sure kung may kinalaman ang pagiging likas na may itsura ni MA sa kanyang diploma.

Malakas daw ang appeal ni MA sa mga bading lalo na raw sa mga gay professors nila noon.

Hmmm….

May sinasabi sa buhay si MA kaya popular daw sa klase. Mahilig din daw ito magpasikat.

Kapag wala raw ang teacher tatambay daw ito sa kotse niya at i-fufull blast ang stereo.

Yun lang sa kayabangan ni MA parating nababasted daw ng mga babae.

Eh paano nga ba nakapasok ang bulakbol na ito sa showbiz?

Sey ng source namin, dahil na rin daw ito sa angking talent sa pagsasayaw.

Nagti-teyatro din daw ito.

Dancer na thespian pa? Wow!

Ang tanong: Bakit parang hindi niya nagagamit ang mga ito sa ngayon? Mas kilala na kasi siya bilang komedyante e.

Clue? Nagkaroon noon ng kar­elasyon si MA na isang magan­dang aktres na naging usap-usa­pan sa apat na sulok ng showbiz dahil nabuntis niya ito. Yun na!

What do you think?

Written by Tempo Desk

Greatest achievement: Doing God’s will

JC Tiuseco, nasungkit na ang diploma