Null
in , ,

James Reid, nagtatanim

JAMES Reid

 

BY JUN NARDO

 

 

 

Pinaninindigan ni James Reid ang pagiging food security ambassador ng Department of Agricuture.

Kamakailan ay nasa Nueva Ecija si James para sa launching ng PAG-AHON Program ng departamento kasama si Agriculture Secretary William Dar.

Update ni James sa kanyang Instagram, “Been planting a lot of seeds. Wait till you see what grows!”

Isa nga ito sa mga pinagkaabalahan ni James mula nang kumalas siya sa Viva Artist Agency.

Paano kaya ang mga proyekto niya sa showbiz?

Malabo na rin yatang gawin ni James ang series niya with a Korean actress at ‘yung movie with girlfriend Nadine Lustre ay binaon na rin yata sa lupa ng Viva Films.

JAMES Reid
JAMES Reid

At least kunektado pa rin sa lupa ang advocacy ni James ngayon, huh!

 

BALIW-BALIWAN

Ibinahagi ng mga tampok na bituin ng upcoming Kapuso weekly drama na “I Can See You: Love on the Balcony” na sina Jasmine Curtis-Smith, Denise Barbacena at Pancho Magno ang nakababaliw na bagay na ginawa nila dahil sa pag-ibig.

Ayon kay Jasmine, isa na rito ang naglipat siya ng bahay para sa kanyang minamahal.

Sey ni Denise, “Not actually something I did but I think na the craziest thing you can do is lose yourself in the process of loving someone.”

Eh para kay Pancho na happily married kay Max Collins?

“Wala naman akong crazy na ginawa. Siguro crazy in love lang talaga ko sa kanya.”

Kasama nila sa episode si Alden Richards at mapapanood ito ngayong Lunes.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Laurenti Dyogi now Star Magic head

Angels of God ascending and descending