Null
in ,

Eugene Domingo, nakatipid

EUGENE Domingo (IG)

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

AMINADO ang komedyanteng si Eugene Domingo na matipid siya. Hindi siya basta-basta nagpapakawala ng datung para masunod ang kanyang luho.

Pero hindi napigilang magpaluwal ng pera ni Uge para matupad ang kagustuhang makabili ng flowers.

Ang siste, mahilig pala sa flowers itong si Uge, huh!

Pero nang makita niya nga ang flowers na gusto sa shop ni Marian Rivera natigilan siya dahil medyo may kamahalan ito.

EUGENE Domingo (IG)
EUGENE Domingo (IG)

Umorder pa rin siya pero ibang bulaklak.

Laking gulat niya nang dumating ang order niya sa Flora Vida by Marian.

Dumating ito na may kasamang bonus: Ang gusto niya mismong bulaklak!

Dagling nag-post si Uge about it sa social media.

Aniya, “OMG. Marian sent me the one I wanted to buy – the Gypsophila but I was budgeting myself.”

Pagpupuri pa ng “Dear Uge” star sa GMA Primetime Queen, “You are the most gracious and the sweetest. God bless you more, my dear.”

 

PUMIRMA

AI-AI delas Alas (IG)
AI-AI delas Alas (IG)

Hindi si Kris Aquino kundi si Ai Ai de las Alas ang magiging bahagi na ng GMA Artist Center (GMAAC).

Wag magtaka dahil ang unang kontrata ni Ai Ai sa network ay tinatawag na program contract lamang.

Ngayon, management contract naman ang pinirmahan niya sa GMAAC.

Nanatili pa rin siyang talent ng Asian Artist Agency ni Boy Abunda but this time, comanaged siya ng GMAAC.

Pumirma ng kontrata ang Comedy Queen nitong nakaraang mga araw.

What do you think?

Written by Tempo Desk

New Kapuso Jose Sarasola

Malacañang origin