in ,

Pinaiyak

KARLO Nograles (FB)

timing tmg tg

 

 

PINAIYAK ni Willie Revillame si Cabinet Secretary Karlo Nograles noong nag-guest ito sa programa niyang “Tutok to Win (Wowow­in).”

Ipinapanood ni Willie kay Nograles ang videos ng iba’t ibang frontliners na nagsasakripi­syong malayo sa kani-kanilang pamilya para protektahan ang sambayanang Pilipino laban sa COVID-19 pandemic.

Heartbreaking ang video ng mga batang paslit na umiiyak, sabik mayakap o malapitan ng kanilang mga magulang na front­liners.

May isang batang binalot pa ng plastic ang buong katawan bago ito niyakap at hinalikan ng kanyang ina na isang nurse.

KARLO Nograles (FB)
KARLO Nograles (FB)

May isang batang paslit ang umiiyak habang kinakawayan ng kanyang amang pulis sa labas ng kanilang bakuran.

May isang batang nagbigay ng pagkain sa kanyang ina na ma­layo ang kanilang distansiya.

Touching ‘yung ipinakita ang photos ng mga doktor na na­matay dahil sa Covid-19.

Matapos mapanood ang mga video, naging emotional si Karlo. Napaluha siya at halos hindi makapagsalita nang tanungin siya ni Willie kung ano’ng naram­daman niya sa napanood na videos.

“Pinaiyak mo ako. Alam ko, mahirap ang ginagawa ng front­liners. May mga pamilya sila. Naaawa ako sa kanila. Ginagawa namin lahat para labanan ang krisis sa ating bansa,” words to that effect na sabi ni Karlo.

Nakiusap siya sa mga mama­mayan na makipagtulungan. Huwag nang maging pasaway. Nangako naman si Willie na handang tumulong sa gobyerno ang kanyang programa para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

 

NASORPRESA

ENCHONG Dee (FB)
ENCHONG Dee (FB)

Nasorpresa si Vice President Leni Robredo sa pagpunta ni Enchong Dee sa kanyang opisina. Mag-isa lang ang Kapamilya actor.

Nag-donate si Enchong ng Personal Protective Equipments para sa frontliners at food para sa volunteers.

“Biglang nag-appear sa of­fice ngayong hapon, mag-isa. May dalang mga PPE’s para sa frontliners at pagkain para sa volunteers. Mabu­hay ka, Enchong Dee,” ani sa socmed ni VP Leni.

enchong Dee

What do you think?

Written by Tempo Desk

Sports nostalgia during virus lockdown

Marcial not rushing PBA return; SMB coach can wait to defend titles