Null
in ,

Inspirado

TOM Rodriguez

timing tmg tg

 

 

TULUY-tuloy pa rin ang pa­glikom ng pondo ni Tom Rodri­guez gamit ang fund-raising project niya na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause.”

Ang kikitain sa proyekto ay para sa daily wage earners na apektado ang pamumuhay da­hil sa enhanced community quarantine. Katulong ni Tom sa proyekto ang girlfriend na si Carla Abellana.

TOM Rodriguez
TOM Rodriguez

Special kay Tom ang project na ito lalo pa’t for a good cause. Inspirado siya sa kanyang gina­gawa.

Ika nga niya, “After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them. That way (mapaparamdam ko sa kanila) na grabe ‘yung pasasalamat ko sa kanila (donors) because I know how difficult the circum­stances now and they’re extend­ing themselves out para lang matulungan din ang daily wage earners sa atin.”

Paalala naman ni Carla, “Stay­ing at home is really the best way. ‘Wag tayo mawalan ng pag-asa.”

 

BONDING

DEREK Ramsay (FB)
DEREK Ramsay (FB)

Masayang magkasama si Derek Ramsay at ang 16-year old son ni­yang si Austin sa bahay ng aktor sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine.

Todo bonding ang mag-ama after so many years na pagtira ni Austin sa Dubai with his mom, Mary Christine Joy.

Hindi spoiler si Derek bilang isang ama. Disciplinarian siya at ayaw niyang masanay ang anak sa mga luho at marar­angyang bagay, kahit can afford pa siya.

Bilang tulong sa mga apek­tado ng quarantine, nagpadala si Derek ng mga pagkain sa isang charitable institution na naka-focus sa mga bata sa Muntinlupa City.

Sumama rin siya sa team ng ini-endorsong produkto na namahagi ng merienda para sa mga frontliner sa dalawang hospitals.

What do you think?

Written by Tempo Desk

From home

Duterte to discuss ECQ extension with ex-DoH secretaries